19-anyos na lalaki, binugbog at illegal na kinulong ng mga pulis sa Caloocan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

19-anyos na lalaki, binugbog at illegal na kinulong ng mga pulis sa Caloocan

'Di Best, 'Di Brightest

19-anyos na lalaki, binugbog at illegal na kinulong ng mga pulis sa Caloocan

Imbes na ticket at motor impoundment lang ang kahaharapin ng 19-anyos na lalaki matapos mahuling walang helmet at lisensya, mga sugat at pasa dahil sa pambubugbog at illegal detention ang kanyang sinapit mula sa kamay ng mga pulis sa Caloocan City.

Ito ang inireklamo ng isang netizen na si EM Acuña dahil sa sinapit ng kanyang pamangkin na si Jomari Deala mula sa mga alagad ng batas.

Ayon kay Acuña, nahuli si Deala sa isang checkpoint na ginawa ng Police Community Precinct 4 sa pangunguna ni PO1 Ibis bilang Arresting Officer.

Dinala si Deala sa presinto noong June 25, 9:00 PM.

Trauma ang inabot ni Deala mula sa pangyayari, ayon kay Acuña.

“Binugbug ang pamangkin ko ilang beses pinag susuntok ang tagiliran, pinadapa sa prisinto at pinag tatadyakan hanggang sa leeg… tang ina hindi makatao yung ginawa nyo sa pamangkin ko. Hindi makakain, hindi makainom, gusto ng umuwi dahil sa trauma nararanasan nya hanggang ngaun sa prisinto,” ani Acuña.

Ayon pa kay Acuña, kinasuhan pa ng direct assault ng Hepe PCP-4 si Deala.

“No helmet, no license na nahuli sa check point na dapat ticket at impound ang motor lang ang pataw pero sobra sobra yung ginawa niyo. Tapos direct assault ang sinasabi niyo? Tang ina nabugbog ang pamangkin ko, Siya pa may kasong direct assault? Ni hindi namin alam kung na file ba yan o hindi dahil ayaw niyo magbigay ng impormasyon,” ani Acuña.

Iginiit ni Acuña na inosente ang kanyang pamangkin.

“19 years old lang yan, scholar sa school nya, walang bisyo at basketball ang hilig, pero dahil sa ginawa nyo sisirain niyo buhay ng pamangkin ko,” ani Acuña.

Jomari Deala

Basahin ang buong Facebook post ni Acuña:

AMPARO GATE 1 POLICE STATION CALOOCAN

PO1 IBIS – ARRESTING OFFICER
Police community Precinct 4

June 25, 2018 * 9:00 pm onwards

Siya po si JOMARI DEALA , GRADE 11 SA OUR LADY OF FATIMA LAGRO, SCHOLAR AT WALANG BISYO.

Binugbug ang pamangkin ko ilang beses pinag susuntok ang tagiliran , pinadapa sa prisinto at pinag tatadyakan hanggang sa leeg , tang ina Hindi makatao yung ginawa nyo sa pamangkin ko . Hindi makakain , Hindi maka inom, gusto ng umuwi dahil sa trauma nararanasan nya hanggang ngaun sa prisinto.

Kahit anong information wala kaming makuha sa inyo.

Shout out din dun sa ABOGADO , UMATRAS KA SA KASO DAHIL NATATAKOT KANG MAPAG INITAN NG HEPE ?

Illegal detention ang ginawa nyo, gross misconduct sa pambububog nyo sa pamangkin ko.

19 years old lang yan, scholar sa school nya, walang bisyo at basketball ang hilig Pero dahil sa ginawa nyo sisirain nyo buhay ng pamangkin ko.

No helmet , no LICENSE na nahuli sa check point na dapat ticket at impound ang motor lang ang pataw Pero sobra sobra ung ginawa nyo. Tapos DIRECT ASSAULT ANG SINASABI NYO ? TANG INA NABUGBOG NA PAMANGKIN KO , SYA PA MAY KASONG DIRECT ASSAULT ? Ni Hindi namin alam kung na file ba yan o hnd dahil ayaw nyo mag bigay ng impormasyon.

Pilit namin gustong kausapin ung arresting officer dahil sa gnawa nya Pero ayaw nila iharap sa Amin.

At ung HEPE , alam mong kamalian na ng Tao mo tinolerate mo pa, alam mong walang kaso ang pamangkin ko Pero pilit mong gsto ikulong. Sinisira nyo buhay ng bata.

Kayo dapat ang nagsisilbing modelo sa tao Pero kayo ang sumisira sa tiwala ng mga Tao.

Tulungan nyu po kaming makarating sa kinauukulan ang sitwasyon ng pamangkin ko, paki share narin po sa mga gustong makatulong sa pamilya namin.

Maraming salamat po.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top