2016 poll fraud accuser Glenn Chong, sangkot sa ballot tampering noong Halalan 2013 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

2016 poll fraud accuser Glenn Chong, sangkot sa ballot tampering noong Halalan 2013

'Di Best, 'Di Brightest

2016 poll fraud accuser Glenn Chong, sangkot sa ballot tampering noong Halalan 2013

Eksperto nga sa dayaan!

Sangkot sa ballot tampering noong Halalan 2013 si dating Biliran representative Glenn Chong, ang nag-aakusa na may dayaan umano sa Halalan 2016.

Inakusahan si Chong ni Worthy Acosta, tauhan ni dating Tarlac Rep. Tingting Cojuangco ng pagsasagawa ng ballot tampering sa Baguio City para siraan ang integridad ng eleksyon noong 2013.

Si Cojuangco ay tumakbo sa pagka-senador sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) noong 2013 senatorial elections. Siya rin ay tiyahin ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Acosta, inutusan siya ni Cojuangco na magnakaw ng mga balota sa Baguio City noong June 2013. Katulong ni Cojuangco sa operasyon si Chong.

“Sometime before June 30, 2013, I was instructed by Tingting, upon the suggestion of Glenn, to travel to Baguio to retrieve ballots which they were sure would prove election fraud,” ani Acosta.

Ayon pa kay Acosta, sangkot sina Cojuangco at Chong sa paggawa ng propaganda materials, PowerPoint presentations, leaflets, at video clips na mage-expose umano sa dayaan sa automated elections.

“The intention of this propaganda was to convince the public to rally behind our cause and against the automated election system. The goal in view was to mobilize supporters and sow dissatisfaction toward the present administration using the issue of massive election fraud,” ani Acosta.

Dagdag pa ni Acosta, unang minungkahi ni Chong kay Cojuangco na i-tamper ang mga balota sa Mariripi Island sa Biliran dahil madalas ang power blackouts doon kaya madaling mananakaw ang mga ito sa Treasurer’s Office.

“However, the Maripipi Island plan did not materialize as Tingting suggested that we turn to Baguio instead. She said we can easily access the Treasurer’s Office in Baguio because she had strong connections in the area, particularly former Rep. Bernie Vergara of the lone district of Baguio City,” ani Acosta.

Napasok ni Acosta ang Treasurer’s Office ng Baguio City at nakakuha ng mga balota na nagkasya sa kanyang backpack. Inutusan siya ni Chong na i-tamper ang balota para tumaas ang mga boto ni Cojuangco sa lungsod.

“This was done to boost her votes in the actual ballots, which, in truth, was very shamefully low,” ani Acosta.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top