Adik ulit? Netizens nag-react sa tweet ni Mocha na "pag-restore" ng mga adik | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Adik ulit? Netizens nag-react sa tweet ni Mocha na “pag-restore” ng mga adik

'Di Best, 'Di Brightest

Adik ulit? Netizens nag-react sa tweet ni Mocha na “pag-restore” ng mga adik

Pinuna ng mga netizens ang isang tweet ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson kung saan sinabi niya na wala umanong nagawa ang administrasyon ni President Rodrigo Duterte sa “pag-restore” ng mga adik.

Restore ng mga adik.

“Wala daw ginagawa ang PRRD ADMIN sa pg restore ng mga adik,” ayon sa tweet ni Uson.

Kaakibat sa nasabing tweet ang balita ng GMA News tungkol sa 53 katao na nakumpleto ang drug rehabilitation sa mega drug abuse treatment center sa Nueva Ecija.

Ito ay kaagad napansin ng mga netizens.

“Restore? So balik adik?” ayon kay @dailygasms

“REFORM or REHABILITATE hindi RESTORE…” ayon kay @visualkeibi

Ang ilan naman ay kinuwestiyon ang pagmamalaki ni Uson sa 53 kataong na-rehabilitate, sapagkat hindi ito matutumbasan ang libu-libong pinatay sa kampanya kontra illegal na droga ni Duterte.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top