AFP: SolGen Calida, utak ng pag-revoke ng amnesty ni Trillanes | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

AFP: SolGen Calida, utak ng pag-revoke ng amnesty ni Trillanes

'Di Best, 'Di Brightest

AFP: SolGen Calida, utak ng pag-revoke ng amnesty ni Trillanes

Itinuro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Solicitor General Jose Calida bilang mastermind sa pagkakabasura ng amnesty ni Senator Antonio Trillanes IV.

Tinanong ng isang reporter si AFP spokesperson Col. Edgardo Arevalo kung sino ang nag-inquire ng amnesty papers ni Trillanes sa personnel division: “What triggered that response from J1 (AFP’s personnel division)? Who inquired and who requested?”

“The Solicitor General did,” tugon ni Arevalo.

Naunang itinuro ni Trillanes si Calida na nasa likod ng amnesty revocation, dahil na rin sa pag-imbestiga ng senador sa isyu ng conflict of interest sa security agency ni Calida.

“Alam niyo itong si Mr Calida gumawa nito eh. Siyempre gustong-gusto ng amo niyang si Duterte. They’ve been trying everything to stop this hearing na i-ko-conduct ko against kay Mr. Calida,” ani Trillanes.

Si Calida rin ang sinususpetsa ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

“I am not sure who exactly conducted the review, but I suppose this might have been studied by the Office of the Solicitor General,” ani Guevarra.

Iniwasan naman ni Calida ang tanong kaugnay sa amnesty revocation ni Trillanes.

“We have such a thing as a privileged communication between lawyer and the client,” ani Calida.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top