Aguirre bigong sugpuin ang drug trade sa Bilibid | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Aguirre bigong sugpuin ang drug trade sa Bilibid

'Di Best, 'Di Brightest

Aguirre bigong sugpuin ang drug trade sa Bilibid

(UPDATED, July 04) – Inamin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na muling nanumbalik ang kalakaran ng illegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

“There is some sort of resurgence of (the) drug trade,” ani Aguirre.

Ayon pa kay Aguirre, mga bagong pinuno na ang nangunguna sa drug trade sa loob ng kulungan.

Noong nakaraang taon, idineploy ng administrasyong Duterte ang Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (SAF) sa Bilibid upang masugpo ang droga sa lugar.

Kahit SAF na ang nagbabantay sa kulungan, hindi pa rin nasawata ang kalakaran ng droga sa Bilibid.

Sinabi na ni SAF director Chief Supt. Benjamin Lusad na ang pangatlong batch ng mga pulis na magbabantay sa NBP ay ang magiging huling beses na babantayan nila ang kulungan.

“Pero sinabi po niya na ‘Sana, Secretary, last na pagbabantay na ito ng SAF.’ Gusto na nilang mag-exit after ng last contingent. Inaasahan po namin na ito ay magiging in place in the fourth week of this month, July,” ani Aguirre.

Matatandaang inakusahan ng kasalukuyang administrasyon si Senator Leila de Lima, na dati’y Justice secretary, ng kapabayaan at nakinabang umano sa illegal drug trade sa national penitentiary.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top