Aguirre, inakusahan ang mga witness sa pagpatay kay Kian Loyd na 'brainwashed' | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Aguirre, inakusahan ang mga witness sa pagpatay kay Kian Loyd na ‘brainwashed’

'Di Best, 'Di Brightest

Aguirre, inakusahan ang mga witness sa pagpatay kay Kian Loyd na ‘brainwashed’

Hindi nagpapatalo si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa katangahan ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Inakusahan ni Aguirre ang mga saksi sa pagpatay ng mga pulis kay Kian Loyd de los Santos na maaaring na-brainwashed ang mga ito dahil nasa pangangalaga sila ni Senator Risa Hontiveros.

“If these witnesses, especially they are children, 2 of them–13 and 16 years old– are put under the custody of an individual especially if these individual’s fairness is in question, the credibility of these witnesses is bound to go down because we could never avoid the suspicion that they might have been brainwashed,” ayon kay Aguirre.

Pinabulaan naman ito ni Hontiveros.

“Ako lamang ay nagugulat sa biglang pangyayari. Mukhang may mga puwersang gumagalaw para kunin ang mga testigo, i-undermine ang kaso at limitahan ang accountability sa panig lamang ng mga pulis,” ayon kay Hontiveros.

“That is a serious allegation but this is not the main issue…I would like to insist always, isa po sa primary issue dito ay ang best interest of the child,” dagdag pa ni Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, request ng mga kaanak ng mga saksi ang ilagay sila sa kustodiya niya.

“Sa simula pa lang, when my office took custody of the witnesses, it was in response to the request of these witnesses and their families, and even the family of Kian to protect them from the threats that they have been receiving,” ani Hontiveros.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top