Aguirre, Jojo Robles, Mocha Uson, pinagkakalat na sinuhulan ng LP ang mga magulang ni Kian | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Aguirre, Jojo Robles, Mocha Uson, pinagkakalat na sinuhulan ng LP ang mga magulang ni Kian

'Di Best, 'Di Brightest

Aguirre, Jojo Robles, Mocha Uson, pinagkakalat na sinuhulan ng LP ang mga magulang ni Kian

Kinakalat ngayon nila Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, dating Manila Standard EIC Jojo Robles, at ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang pekeng balita na tinangkang suhulan umano ng Liberal Party (LP) ang mga magulang ng pinatay na si Kian Loyd de los Santos.

Sa isang post ni Robles, inilahad niya na tinangkang suhulan ng LP ang mga magulang ni de los Santos ng P2 milyon para sumama sa launching event ng “Movement Against Tyranny” (MAT), subalit tumanggi ang mga ito.

Ang nasabing post ay ibinahagi rin ni Uson.

“P2 million. That was the offer of the Yellows to Kian’s parents. Their first job was to join that anti-tyranny thingy launching yesterday, where they were to be pareded as Exhibits A and B. They refused and went with PAO chief Acosta and Digong instead. Yes, some people, though poor, can’t be bought. Quote me,” ani Robles.

Ito rin mismo ang narinig at itsinismis ni Aguirre sa isang radio interview kung saan tinanong siya kung alam ba niya ang balitang tinangkang suhulan ang mga magulang ni Kian.

“May narinig po talaga akong ganyan at ‘yan po ay alam naman ninyo, kahit papa’no ay meron tayong mga kaibigang reporter na nagco-cover sa pagmi-meeting nila diyan sa Times Street. At talagang ‘yan po ang dumating na balita sa ‘kin,” ani Aguirre.

‘Fake news’

Hindi kasama sa mga signatories at organizers ng Movement Against Tyranny ang Liberal Party, salungat sa sinabi ni Robles.

Pinabulaanan rin ng LP ang pahayag ni Aguirre at hinihingi ng partido ang resignation nito dahil sa serye ng mga kasinungalingan laban sa kanila.

“The Liberal Party, which has been tagged as “dilawan”, strongly denies allegations that its members attempted to bribe Saldy and Lorenza Delos Santos to use the death of their son Kian for political propaganda,” ayon sa statement ng LP.

Dagdag pa ng Liberal, walang naganap na komunikasyon sa pagitan nila at ng mga magulang ni Kian.

Iginiit ng LP na hindi ito ang unang pagkakataon na nagsinungaling si Aguirre upang siraan sila.

“This is not the first time that Justice Secretary Vitaliano Aguirre lied about LP. We recall numerous instances the Secretary himself had to recant and apologize for that fake news he spread about the party and its members,” ani ng LP.

Hinihingi ngayon ng Liberal ang pagbibitiw sa pwesto ni Aguirre dahil sa paulit-ulit na mga peke at walang basehan na pahayag.

“For his repeated issuances of erroneous claims, thereby diminishing the stature of his office, we call on Secretary Aguirre to resign,” ani ng LP.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top