Aguirre nanindigan: Walang ebidensya na planado ang pagpatay kay Espinosa | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Aguirre nanindigan: Walang ebidensya na planado ang pagpatay kay Espinosa

'Di Best, 'Di Brightest

Aguirre nanindigan: Walang ebidensya na planado ang pagpatay kay Espinosa

Nanindigan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa pagbaba ng kasong murder patungong homicide sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Para kay Aguirre, hindi napatunayan na ‘premeditated’ o planado ang pagpatay kay Espinosa.

“Premeditation…has not been proven to qualify the killing to murder,” ayon kay Aguirre.

Ito ay sa kabila ng mga imbestigasyon na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Senado kung saan lumabas na planado at ‘defenseless’ si Espinosa noong araw na pinatay siya.

“Everybody was attacking the resolution on irrelevant matters and ascribing ill motives in its issuance, but no one has discussed whether the downgrading is correct… whether the same is supported by evidence and in accordance with law and jurisprudence,” dagdag pa ni Aguirre.

Dahil sa pagbaba ng kaso, pinahintulutan ng Baybay City Regional Trial Court na makapagpiyansa sa halagang PhP 40,000 ang grupo ni Superintendent Marvin Marcos.

Inayawan naman ni Aguirre ang suhestiyon ni Sen. Richard Gordon na bawasan ang kapangyarihan ng isang Justice Secretary, sapagkat ito ay unconstitutional umano.

”They must first prove  that the DOJ resolution is not correct,” ani Aguirre.

Ang pagbaba ng kaso sa mga akusado sa pagpatay kay Espinosa ay sinundan pa ng pahayag ni President Rodrigo Duterte na makakalaya ang mga pulis na gumagawa lang umano ng tungkulin para sa kampanya kontra illegal na droga ng administrasyon.

“For those who are facing charges, they can be very sure they can walk out free men,” ayon kay Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top