OUT OF PROPORTION NA KATANGAHAN | Aguirre: Pagpatay kay Kian Loyd, pinalaki lang | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

OUT OF PROPORTION NA KATANGAHAN | Aguirre: Pagpatay kay Kian Loyd, pinalaki lang

'Di Best, 'Di Brightest

OUT OF PROPORTION NA KATANGAHAN | Aguirre: Pagpatay kay Kian Loyd, pinalaki lang

“Blown out of proportion,” ganito inilarawan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang public outrage sa pagpatay ng mga pulis kay Kian Loyd de los Santos.

Ayon kay Aguirre, ginamit umano ang insidente upang hanapan ng butas si President Rodrigo Duterte, kaugnay ng kanyang kampanya kontra illegal na droga.

“Blown out of proportion in the media kaya akala mo napakalaki na,” ayon kay Aguirre.

Dagdag pa ni Aguirre, nag-iisa lang ang kaso ni de los Santos.

“There are thousands of killings because of the focus of the president on illegal drugs. There was no equivalent incident in the past which could be compared with the Delos Santos killing,” ani Aguirre.

Iginiit pa ni Aguirre na natural lamang na may collateral damage o mayroong madamay dahil giyera ang pagsugpo sa droga.

“Giyera ito e. Magkakaroon talaga ng casualty, whether it be an adult or children,” ani Aguirre.

Pinasaringan pa ni Aguirre ang mga taong nakikisimpatiya sa mga naulila ni de los Santos.

“Anong ginagawa ng mga taong iyan na naki-simpatiya kunwari kay Kian? Anong ginawa nila nung pinatay ang pamilya sa Bulacan? May dumalaw ba sa inyo dun? Wala, sapagkat iisa din lamang ang nakikita niyo e,” ani Aguirre.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top