Aguirre: Usapin sa kalusugan ni Duterte, isang destabilisasyon | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Aguirre: Usapin sa kalusugan ni Duterte, isang destabilisasyon

'Di Best, 'Di Brightest

Aguirre: Usapin sa kalusugan ni Duterte, isang destabilisasyon

Isa umanong destabilisasyon ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pag-usapan ang kalusugan ni President Rodrigo Duterte.

Sa kanyang panayam sa pahayagang The Philippine Star, sinabi ni Aguirre na ang mga haka-haka ukol sa kalagayan ni Duterte ay parte umano ng destabilisasyon.

“Unfortunately, some of those who are inquiring as to the state of his health were clearly engaged in misinformation or disinformation to mislead the public with the end in view of destabilizing the government,” ayon kay Aguirre.

“They wanted to create the wrong impression that President Duterte was in serious health condition, which is farthest from the truth,” dagdag pa ni kalihim.

Ayon sa Saligang Batas, partikular ang Article VII Section 12, “In case of serious illness of the President, the public shall be informed of the state of his health.”

Subalit ayon kay Aguirre, hindi umano kailangan pa ni Duterte na sabihin ang lagay ng kanyang kalusugan sapagkat hindi daw ito malala.

“It is not required by the Constitution to always disclose the health of the President. It is only in cases of serious illness that the President is required to disclose his illness, which isn’t the case with President Duterte,” palusot ni Aguirre.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top