ALAMIN: Track record ni Samuel Martires | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

ALAMIN: Track record ni Samuel Martires

'Di Best, 'Di Brightest

ALAMIN: Track record ni Samuel Martires

Itinalaga ni President Rodrigo Duterte si Associate Justice Samuel Martires bilang bagong Ombudsman, kasunod ng pagtatapos ng termino ni Conchita Carpio-Morales.

Si Martires ay nag-aral ng law sa San Beda College, ang alma mater ni Duterte.

Arroyo’s Sandiganbayan appointee

Siya ay in-appoint ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Sandiganbayan noong 2005.

Noong 2011, si Martires ang nagsulat ng desisyon ng Sandiganbayan na nagbabasura sa kasong graft laban kay noo’y Davao City Vice Mayor Duterte dahil sa pag-demolish nito sa isang parke na ipinagawa ng kanyang katunggali sa pulitika na si Prospero Nograles.

Pagsapit ng 2012, sinulat ni Martires ang desisyon ng Sandiganbayan na nagbabasura sa inihaing P50-bilyong damage suit laban sa mga Marcos, dating Trade minister Roberto Ongpin at iba pa kaugnay sa Binondo Central Bank.

Si Martires ay isa sa mga Sandiganbayan justices na nag-apruba sa plea bargain deal para sa kaso ni retired Major General Carlos Garcia.

Duterte’s first SC appointee

Si Martires ang unang Associate Justice appointee ni Duterte sa Supreme Court.

Noong April 2017, 11 SC justices ang bumoto sa pagbabasura sa P366 million PCSO fund scam plunder case laban kay Arroyo. Bumoto si Martires para i-acquit si Arroyo sa plunder case.

Pagsapit ng July, pinagtibay ng 11 SC justices ang pagdeklara ng Martial Law sa Mindanao. Bumoto si Martires pabor dito.

Si Martires ay isa sa 11 SC justices na pinagtibay ang ruling ng en banc para sa paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Siya rin ay kasama sa 9 mahistrado na pinagtibay ang arrest warrant laban kay Senator Leila de Lima kaugnay sa drug-related charges nito.

Isa rin si Martires sa mga bumoto pabor sa quo warranto petition na nagpapaalis kay Maria Lourdes Sereno bilang Chief Justice.

 

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top