Alvarez sa pampasweldo ng mga CHR employees: Eh 'di kunin niyo sa mga kriminal | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Alvarez sa pampasweldo ng mga CHR employees: Eh ‘di kunin niyo sa mga kriminal

'Di Best, 'Di Brightest

Alvarez sa pampasweldo ng mga CHR employees: Eh ‘di kunin niyo sa mga kriminal

Kaya nga humihingi sa inyo eh.

Kunin na lamang daw sa mga kriminal ang pampasweldo ng mga empleyado ng Commission on Human Rights (CHR) matapos bigyan ito ng P1,000 budget para sa susunod na taon.

Ito ang inimungkahi ni Speaker Pantaleon Alvarez na siyang unang nag-propose na gawing zero o kaya’y P1,000 ang CHR budget para sa 2018.

Tinanong ng media si Alvarez kung paano na ang mga empleyado ng CHR sa susunod na taon, at ang sagot niya: “Eh hingin nila sa kriminal. Yun ang gusto nilang protektahan.”

“Hindi mo na ginagawa ‘yong trabaho mo huminihingi ka pa ng sweldo sa gobyerno. Hindi naman yata tama iyon,” ani Alvarez.

Tinawag pang makapal na mukha ni Alvarez si CHR chairperson Chito Gascon.

“Yon na nga ang sinasabi ko, sobrang kapal ng mukha niya. Alam mo, kung sinasabi ng karamihan na hindi niya ginagampanan ‘yong trabaho niya, hindi niya ginagawa, eh dapat mahiya ka na eh,” ani Alvarez.

Nang sinabi ng media na trabaho ng pulisya at ng Department of Justice (DOJ) ang papanagutin ang mga kriminal, ang sagot ni Alvarez: “Wala sa Constitution yan eh. Basahin nga nila ang Saligang Batas.”

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top