Andanar ipinagmalaki ang katangahan ng PNA: Binabasa na kasi sila ngayon | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Andanar ipinagmalaki ang katangahan ng PNA: Binabasa na kasi sila ngayon

'Di Best, 'Di Brightest

Andanar ipinagmalaki ang katangahan ng PNA: Binabasa na kasi sila ngayon

Para kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, kaya napapansin ang mga kamalian ng Philippine News Agency (PNA) ay dahil binabasa na sila umano ng publiko.

“Bakit napapansin na ang PNA ngayon? Sapagkat binabasa na ang PNA ngayon,” ayon kay Andanar.

Ipinagmalaki pa ni Andanar ang umano’y effort para pagbutihin pa ang serbisyo ng PNA, katulad ng pagpapadala ng mga editors nito sa abroad.

Habang pinanindigan ni Andanar na hindi sila nagkulang sa kabila ng kaliwa’t kanang kapalpakan ng PNA.

‘Pineapple News Agency’

Ipinaliwanag naman ni Andanar ang paggamit ng PNA sa logo ng Dole Food Company bilang logo ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Andanar, nakatanggap ng press release mula sa DOLE ang staff ng PNA at hinanap nito sa Google ang logo ng ahensiya. Subalit, ang nakita nito ay logo ng Dole Food Company at ‘yun ang in-upload.

Hindi daw alam ng PNA staff kung ano ang itsura ng DOLE logo. Dagdag pa rito, dumaan sa isang editor ang balita ngunit hindi ito na-double check.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top