Andanar ipinagtanggol si Mocha Uson pero hindi nakaporma kay Mareng Winnie | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Andanar ipinagtanggol si Mocha Uson pero hindi nakaporma kay Mareng Winnie

'Di Best, 'Di Brightest

Andanar ipinagtanggol si Mocha Uson pero hindi nakaporma kay Mareng Winnie

Ipinagtanggol ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang kanyang Assistant Secretary na si Mocha Uson sa interview niya kasama si Prof. Winnie Monsod.

Ayon kay Andanar, si President Rodrigo Duterte, at hindi siya ang may kagustuhan na italaga si Uson sa PCOO. Ipinaliwanag rin niya kay Special Assistant to the President Bong Go ang mga pros at cons ng pag-appoint kay Uson.

“The pro, was malaki ang tulong ni Mocha, lalo na sa masa, sa social media. With five million followers… Presidential Comms only had a million followers,” ayon kay Andanar.

“Number two, she really is a loyalist of the president. Unquestionable… Nung umikot po sa ASEAN countries si pangulo, si Mocha ang hinahanap ng mga Pilipino, OFWs,” dagdag pa ni Andanar.

Iginiit naman ni Andanar ang away sa pagitan ni Uson at ng media bilang dagok sa pagtatalaga sa kanya.

“Ang sinabi ko sa kanya, there are some rules and regulations that we have to follow. Kahit na kasama mo si presidente, halimbawa, sa isang biyahe, and you have direct access, you can interview him, you can take video… [But] remember we have an MPC (Malacañang Press Corps) covering [the president]. At itong Malacañang Press Corps, this is an entire industry, ito’y hanap buhay, and they are dedicated to covering the president, 24-7. So let’s respect the tradition na they get first dibs on the news,” ani Andanar.

Supalpal

Pinasaringan naman ni Andanar ang mga taong nananawagan na magbitiw na sa pwesto si Uson.

“Ang sinasabi po ng tao ay boba, ganun ganun. How can she be so stupid?” ani Andanar

Tinanong naman siya ni Monsod ukol sa mga ginawang katangahan ni Uson bilang PCOO Assistant Secretary.

“If you post a picture of a policeman from another country. Or if you post some article about you know that was one year old. What does make you? Intelligent?” ayon kay Monsod.

Ang tanging naisagot na lamang ni Andanar: “Konting review pagdating sa journalism ethics… Well, she’s not a journalist.”

“She’s not a journalist! That’s it!” ani Monsod.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top