Martin Andanar sa EU, Duterte critics: Bahala na sila sa buhay nila, mag-iyot na lang sila | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Martin Andanar sa EU, Duterte critics: Bahala na sila sa buhay nila, mag-iyot na lang sila

'Di Best, 'Di Brightest

Martin Andanar sa EU, Duterte critics: Bahala na sila sa buhay nila, mag-iyot na lang sila

Hindi nagpatumpik-tumpik sa mga salita si PCOO Secretary Martin Andanar laban sa European Union at sa mga kritiko ni President Rodrigo Duterte.

Si Andanar ay dumalo sa isang forum ng mga Duterte supporters sa London, United Kingdom.

Tinawag ni Andanar sila Senators Antonio Trillanes IV at Leila de Lima na mga “maiingay” at hinikayat nito ang mga Duterte supporters na tapatan nila ang mga ito.

“Kung maingay si Trillanes, mas mag-ingay din tayo. Kung ginagago ni Trillanes ang pangulo, gaguhin din natin siya,” ani Andanar.

Binatikos rin ni Andanar ang EU dahil sa mga kritisismo nito laban sa administrasyong Duterte.

“Bahala na sila sa buhay nila. Mag-iyot na lang sila,” ani Andanar.

“Yung mga maiingay na pala-iyot, ang problema sa kanila hanggang ingay lang. Wala naman silang napatunayan,” dagdag pa ni Andanar.

Iginiit ni Andanar na kulang sa “iyot” ang mga maiingay.

“Yung mga nasa baba lang ang maiingay dahil nga kulang sila sa iyot,” ani Andanar.

Itinuring naman ni Andanar ang EDSA 1 at 2 People Power revolutions na “destabilization” na isinagawa laban kina dating diktador Ferdinand Marcos at dating Pangulong Joseph Estrada.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top