Martin Andanar, tumangging mag-sorry sa 'iyot' remark; iginiit na normal joke ng mga Bisaya | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Martin Andanar, tumangging mag-sorry sa ‘iyot’ remark; iginiit na normal joke ng mga Bisaya

'Di Best, 'Di Brightest

Martin Andanar, tumangging mag-sorry sa ‘iyot’ remark; iginiit na normal joke ng mga Bisaya

Nagmatigas si PCOO Secretary Martin Andanar sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos na kanyang natamo dahil sa naging pahayag niya noon sa London kasama ang mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte.

Matatandaang sinabi ni Andanar na kulang umano sa “iyot” ang mga kritiko ni Duterte.

“Kung tatanungin mo ang kanilang mga prime minister, mga presidente, ‘yung mga talagang namamahala sa kanilang bansa — pati sila sumusuporta kay President Duterte. Iyung mga nasa baba na palaiyot, sila lang ang maingay kasi kulang pa sa iyot,” ani Andanar.

Ayon kay Andanar, hindi siya hihingi ng tawad sa publiko kundi sa kanyang asawa lamang.

“Sabi ni Cong. Tom Villarin, dapat mag-sorry ka. I’m not gonna say sorry. I’m gonna say sorry to my wife,” ani Andanar.

Iginiit ni Andanar na pang-pribado lamang ang kanyang naging pahayag noon at ginawa niya ang nasabing biro sapagkat karamihan umano sa audience ay mga Bisaya.

“It was a statement done in a private gathering among Duterte Diehard Supporters, 90 percent of which, during that time na nandoon ako sa London, were really Visayans, mga Bisaya, [or taga-] Mindanao,”

“It’s a normal joke that we (make)—at least sa mga barkada ko sa Cagayan de Oro…It was just amongst us and I saw a lot of Visayans, they were talking, so we were tired from a long flight. We just want to have a light moment,” dagdag pa ni Andanar.

Ayon kay Andanar, normal umano sa mga Bisaya ang nasabing biro.

“It was just normal for them and for them to hear it in Visayan, that made things lighter and everyone just laughed. It wasn’t for public consumption but I guess somebody made a Facebook live and was picked up by the media,” ani Andanar.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top