ANYARE? Mocha Uson, nangako dati na ibibigay sa Duterte’s Kitchen, DSWD ang sahod | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

ANYARE? Mocha Uson, nangako dati na ibibigay sa Duterte’s Kitchen, DSWD ang sahod

'Di Best, 'Di Brightest

ANYARE? Mocha Uson, nangako dati na ibibigay sa Duterte’s Kitchen, DSWD ang sahod

Noong in-appoint si Mocha Uson ni President Rodrigo Duterte sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), nangako ito na ibibigay ang matatanggap niyang sahod sa Duterte’s Kitchen at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Uson, marami umano ang umayaw sa posisyon sa MTRCB dahil sa maliit na sweldo.

“Nabalitaan ko po sa ilang supporters na nangangailangan ng tulong ang Duterte Administration sa larangan ng MTRCB dahil marami daw po ang tumanggi sa position na ito dahil mababa ang sahod. Kaya akin pong naisip na tumulong po dahil ang ating isinusulong ay bolunterismo,” ayon kay Uson.

Aniya, ang matatanggap niya na sahod ay ibibigay niya sa Duterte’s Kitchen o kaya sa DSWD.

“Tinanggap ko po itong pagiging board ng MTRCB sa kondisyon na wala po akong tatanggaping sweldo. Sana po ay kanilang tanggapin ito. At kung hindi naman, ibibigay ko po ang 100% na sahod ko sa Duterte’s Kitchen (DK) at sa DSWD Centers/Projects. Akin pong i-video/document sa tuwing tatanggap po tayo ng sahod at idederetso natin ito sa DK at DSWD,” ani Uson.

Ang natatanggap na sahod ng isang MTRCB Board Member ay umaabot ng P45,000, kasama na dito ang mga allowances.

Sa unang sahod niya sa MTRCB, nakatanggap siya ng P60,500 at idinokumento pa ni Uson ang pag-donate nito sa DSWD.

Anyare na?

Sa mahigit apat na buwan bilang MTRCB Board Member, at mahigit tatlong buwan naman bilang PCOO Assistant Secretary na tumatanggap ng mahigit P100,000, wala ng balita kung tumutupad pa rin sa pangako si Uson.

Wala ng sumunod na documentation matapos ang pag-donate nito sa unang sahod sa DSWD.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top