Atty. Gideon Peña kay Mocha Uson: Ang pag-picture na may hawak na libro ay hindi pag-aaral | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Atty. Gideon Peña kay Mocha Uson: Ang pag-picture na may hawak na libro ay hindi pag-aaral

'Di Best, 'Di Brightest

Atty. Gideon Peña kay Mocha Uson: Ang pag-picture na may hawak na libro ay hindi pag-aaral

Pinasaringan ng isang abogado ang litrato ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson kung saan makikita siyang nagbabasa ng mga libro tungkol sa pag-aaral ng batas.

Nakatanggap si Uson ng mga libro galing kina DPWH Secretary Mark Villar at ‘Build Build Build’ Chairwoman Anna Mae Yu Lamentillo.

“Maraming salamat DPWH Sec. Mark Villar and Build Build Build Chairperson Anna Mae Yu Lamentillo para sa mga libro na magagamit sa pag-aaral ng law,” ani Uson.

Nakatakdang pumasok si Uson sa Arellano University School of Law sa susunod na taon.

Epal?

Habang nakatanggap siya ng mga papuri mula sa mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte, pinagdudahan naman ito ng ibang mga tao sa social media.

Katulad na lamang ni Atty. Gideon Peña kung saan sinabi nito na habang hindi dapat pagtawanan ang sino mang nag-aaral, hindi naman matatawag na pag-aaral habang nagpapa-picture.

“Mahalagang Paalala: Huwag pagtawanan ang sino mang nag-aaral. Dagdag Paalala: Ang pagpicture na may hawak na libro ay hindi pag-aaral,” ani Peña.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top