Basura, itinapon sa Manila Bay para may mahakot si Mayor Erap sa harap ng media | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Basura, itinapon sa Manila Bay para may mahakot si Mayor Erap sa harap ng media

'Di Best, 'Di Brightest

Basura, itinapon sa Manila Bay para may mahakot si Mayor Erap sa harap ng media

Nagpakitang gilas si Manila City Mayor Joseph Ejercito Estrada sa harap ng media para sa isang clean-up drive sa Manila Bay.

Ang kanyang publicity stunt: may itatapon na basura upang may mahakot siya sa harap ng media.

“We’ll bring back the glory of Manila Bay,” ayon kay Estrada.

Sumakay sa isang bangka si Estrada kasama ang media upang lumusong sa Manila Bay.

Imbes na puntahan ang ilang bahagi ng Manila Bay na may basura, nagtapon ang ilang tao nito malapit sa bangkang sinasakyan ni Estrada.

Aminado naman si Estrada na pang-publicity ang ginawa nito.

“For publicity, pero we are serious in cleaning Manila Bay,” ani Estrada.

Nalaman din na isang hotel malapit sa Manila Bay ang nanguna sa clean-up drive, at hindi ang local government unit ng Maynila.

“This is spearheaded not by the city but by Rizal Park Hotel in cooperation with some government agencies such as the City of Manila… It will be done monthly,” ayon kay Atty. Sol Arboladura, director ng Manila Tourism.

Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top