Bato kay VP Leni: Isantabi ang presidential ambition; bukas tumakbong Senador sa 2019 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Bato kay VP Leni: Isantabi ang presidential ambition; bukas tumakbong Senador sa 2019

'Di Best, 'Di Brightest

Bato kay VP Leni: Isantabi ang presidential ambition; bukas tumakbong Senador sa 2019

Wow ha. Sa’yo pa nanggaling ha.

Nanawagan si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa kay Vice President Leni Robredo na isantabi muna ang umano’y ambisyon na maging Pangulo. Habang sinabi rin niya na bukas siyang tumakbo bilang Senador sa 2019.

“Sana tulungan na lang niya ang Presidente. She will have her time pagkatapos nito,” ayon kay Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa, hayaan muna ni Robredo na tapusin ni President Rodrigo Duterte ang kanyang termino at suportahan niya na lamang ito.

“Kung gusto niya maging presidente, subukan natin siya pero patapusin nya muna ang buong administration para matapos mga plano ng Presidente. Sana suportahan na lang niya,” ani Dela Rosa.

For Senator sa 2019?

Bukas umano si Dela Rosa na tumakbo sa anumang posisyon sa 2019 elections.

“Kung may tsansa, depende na sa sitwasyon. I am open for anything. Pero sa ngayon, wala pa sa isip ko ‘yan. Trabaho lang muna ako bilang pulis,” ani Dela Rosa.

Nakatakdang magretiro bilang hepe ng PNP si Dela Rosa sa January 2018.

Handa rin umano tumanggap ng anumang trabaho si Dela Rosa kung sakaling kailanganin siya ni Duterte.

“Handa na ako magretire at magrelax. Kung bibigyan ako ng another trabaho, hindi ko pwedeng iturn down si Presidente. Malaki ang utang na loob ko sa kanya,” ani Dela Rosa.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top