Bong Revilla, ayaw isauli ang P124.5 milyong halaga ng civil liabilities | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Bong Revilla, ayaw isauli ang P124.5 milyong halaga ng civil liabilities

'Di Best, 'Di Brightest

Bong Revilla, ayaw isauli ang P124.5 milyong halaga ng civil liabilities

Nanindigan ang kampo ni dating Senador Bong Revilla na hindi nito ibibigay ang share sa P124.5 milyong halaga ng civil liabilities na ipinag-utos ng Sandiganbayan sa mga akusado sa kanyang kaso kaugnay sa pork barrel scam.

Ayon kay Atty. Reody Anthony Balisi, abogado ni Revilla, hindi naman umano ito civilly liable sapagkat hindi siya guilty sa kaso o criminally liable.

“All those who are criminally liable are civilly liable. So with these qualification in the dispositive portion of the decision of the Sandiganbayan, you apply the Article 100, base on the discussion above is Senator Bong criminally liable? He is not,” ani Balisi.

“There is no basis for any civil liability. There is no basis for him to return to the national treasury solidarily liable or jointly liable the amount of P124.5 million,” dagdag pa ni Balisi.

Iginiit naman ni Revilla na nagmula sa kanyang trabaho noon bilang artista ang kanyang yaman.

“Lahat po ng mayroon ako ay bunga ng aking dugo at pawis sa pag aartista. Simula pa lang noong ako ay sampung taong gulang. Sa mga panahong karamihan ay natutulog pa, ako po ay kumakayod na para kumita at iyan nga ang napatunayan ng hukuman na wala akong ninakaw ni sentimo mula sa taumbayan,” ani Revilla.

Sa desisyon ng Sandiganbayan, bagamat acquitted sa plunder si Revilla habang guilty naman ang chief of staff nito na si Richard Cambe at si pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles, iniutos pa rin nito sa lahat ng akusado na isauli sa National Treasury ang P124.5 milyon.

“…accused are held solidarily and joint liable to return to the National Treasury the amount of One Hundred Twenty-Four Million, Five Hundred Thousand Pesos (P124,500,000.00),” ayon sa Sandiganbayan.

Natuwa pa si Revilla sa mga resulta ng senatorial election survey kung saan pasok siya sa Magic 12.

“Ako po ay lubusang nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta’t tumatangkilik sa kaniya bagamat maraming naganap noong nakaraan, ang tiwala ng tao at pagmamahal ay sa kanya pa rin,” ani Revilla.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top