Cayetano: Ayaw kong i-mention ang Chinese aggression sa ASEAN 2017 statement | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Cayetano: Ayaw kong i-mention ang Chinese aggression sa ASEAN 2017 statement

'Di Best, 'Di Brightest

Cayetano: Ayaw kong i-mention ang Chinese aggression sa ASEAN 2017 statement

Inamin ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na iminungkahi ng mga kinatawan ng Pilipinas ang hindi pagsama ng pagpuna sa aggression ng China sa joint communique ng mga ASEAN foreign affairs ministers.

Tinanong si Cayetano kung isa ba ang Pilipinas sa mga bansang ayaw i-mention ang illegal na land reclamation at militarization ng China sa South China Sea sa ilalabas na statement.

“Yes. We drafted it,” ayon kay Cayetano.

Tagapagsalita ng China?

Para kay Cayetano, ayaw niyang isama ang aggressive behavior ng China sa ASEAN statement.

“It’s not reflective of the present position. They’re not reclaiming land anymore, so why will you put it again this year?” ani Cayetano.

Halos kapareho ito ng sinabi ni Chinese Foreign Minister Wang Yi.

“I also want to tell you that two years ago, China had already completed the reclamation. That is something that I can tell you for sure,” ayon kay Wang.

Ang inilabas na joint communique ng mga ASEAN foreign affairs ministers ay naglalaman ng kritisismo’t pagkabahala sa patuloy na aggression ng China sa pinag-aagawang teritoryo.

Ayon kay Cayetano, mayorya ng mga foreign ministers ay gusto itong ilagay sa statement kung kaya nasunod ito.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top