Cayetano: Huwag kayong harsh sa China | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Cayetano: Huwag kayong harsh sa China

'Di Best, 'Di Brightest

Cayetano: Huwag kayong harsh sa China

Nagpakatuta na, ipinagtanggol pa!

Nanawagan si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa mga claimants ng South China Sea na huwag maging harsh sa People’s Republic of China, sa kabila ng militarization at island-building activities nito.

“In the West Philippine Sea, our neighbors are also claimants. If we go harsh with everyone, our people will suffer – trade, direct foreign investments, tourism,” ayon kay Cayetano.

Pitong bansa ang may claim sa South China: ang Pilipinas, Indonesia, Vietnam, Malaysia, Brunei, Taiwan, at China.

Halos buong sakop ng dagat ay pilit inaangkin ng China, sa kabila ng pagkatalo nito sa arbitral tribunal kung saan nanalo naman ang Pilipinas.

Sumalungat naman si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, na ngayo’y chairman ng Stratbase ADR Institute.

Kinumbinse ni del Rosario ang mga ASEAN members na linawin ang liderato nito ukol sa territorial dispute at kontrahin ang ginagawa ng Beijing.

Nagbabala rin si del Rosario sa pagpasok ng Pilipinas sa iba’t ibang financial agreements kasama ang China.

“By entering into weighty financial agreements, we may end up not only tying our own hands but also the hands of the next generation,” ayon kay del Rosario.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top