Cayetano sa Scarborough Shoal: I'm praying hard na sana may mangyaring himala dyan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Cayetano sa Scarborough Shoal: I’m praying hard na sana may mangyaring himala dyan

'Di Best, 'Di Brightest

Cayetano sa Scarborough Shoal: I’m praying hard na sana may mangyaring himala dyan

“Dasal lang. Dasal lang talaga.” — Alma Moreno, 2015

Kung dati’y puso, ngayon naman ay ipinagdarasal na lang ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea, partikular na sa Scarborough o Panatag Shoal.

Ayon kay Cayetano, panalangin niya na magkaroon ng himala sa pinag-aagawang teritoryo.

“I pray every day, and I’m praying hard na may miracle na mangyari diyan, na ma-resolve ‘yang South China Sea dispute,” ani Cayetano.

“The other thing we can do is diplomatic or go to war. So we’re doing the diplomatic. We’re talking. But this is a slow process,” dagdag pa ni Cayetano.

Inirereklamo ng mga mangingisdang Pilipino ang pagkontrol ng Chinese Coast Guard sa bahura. Kwento ng ilan, pinapasok ng ilang miyembro ng Chinese Coast Guard ang kanilang bangka upang limasin ang hinuli nilang mga isda kapalit naman ng noodles, tubig, o kaya’y sigarilyo.

Depensa naman ni Cayetano, mayroong tentative fishing agreement sa pagitan ng dalawang bansa kung kaya nakakapasok naman sa Scarborough ang mga Pilipino.

“What was the status quo before Duterte came in? None of our fishermen were allowed inside. What is the status quo now? Everyone is allowed except in the lagoon. Chinese fishermen are not allowed in the lagoon to protect the spawning ground,” ani Cayetano.

PUSO!

Para naman kay Cayetano, ang advantage ng Pilipinas sa China ay ang pagkakaroon ng puso.

Inihambing ni Cayetano ang dispute ng dalawang bansa sa larong basketball.

“Kumbaga sa basketball po matangkad sila, mas masustansya kinakain nila… pero tayo puso,” ani Cayetano.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top