Coast Guard, itinangging miyembro nila si Martin Diño; posible pang kasuhan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Coast Guard, itinangging miyembro nila si Martin Diño; posible pang kasuhan

'Di Best, 'Di Brightest

Coast Guard, itinangging miyembro nila si Martin Diño; posible pang kasuhan

Posibleng maharap sa asunto si DILG Undersecretary Martin Diño dahil sa pagsusuot ng rear admiral uniform ng Philippine Coast Guard (PCG) at sa pekeng membership nito sa PCG Auxiliary.

Sa Instagram post ni Jose Bayani Baylon, makikita si Diño na nakasuot ng PCG uniform.

“SMART, CRISPY UNIFORM: just how uniforms are meant to be worn. In photo: Rear Admiral Martin Diño,” ani Baylon.

Ayon kay Coast Guard spokesman Capt. Armand Balilo, hindi miyembro ng PCGA si Diño kung kaya hindi niya pwede suotin ang alinmang uniporme ng organisasyon.

Ayon pa kay Balilo, nilabag ng kalihim ang RA 9993 o ang PCG Law of 2010, na nagsasaad na ng responsibilidad at authority ng PCG sa auxiliary membership nito.

Dagdag pa ng tagapagsalita, may karapatan ang PCG na magsampa ng kasong usurpation of authority at iba pang krimen dahil sa ginawa ni Diño.

Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top