Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, isinangkot sa suhulan sa Bureau of Customs | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, isinangkot sa suhulan sa Bureau of Customs

'Di Best, 'Di Brightest

Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, isinangkot sa suhulan sa Bureau of Customs

Idinadawit si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, ang anak ni President Rodrigo Duterte, sa isyu ng suhulan sa Bureau of Customs (BOC).

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs, sinabi ni Customs Broker Mark Taguba na binanggit sa kanya ng mga taong nagngangalang Tita Nani at Jake, at grupo sa Import Assessment Service (IAS) na kumukolekta sa kanya ng P10,000 na mayroon pang Davao Group ang kasali sa lagayan.

Sinabi ng mga ito kay Taguba na dawit rin sa suhulan si Duterte.

Shipment ng shabu

Noong pagdinig ng Senado sa Davao Death Squad (DDS), isinangkot rin ng aminadong DDS hitman at dating pulis na si Arturo Lascanas si Duterte tungkol sa umano’y shipment galing China.

Aniya, humingi sa kanya ng tulong si Duterte sa pagpapabilis ng “furniture” shipment.

Isang Charlie Tan ang umano’y kinita ni Duterte sa China bago i-deliver ang shipment sa Pilipinas. Ayon kay Tan, naglagay siya ng mga “souvenirs” sa loob ng container van at nagsuspetsa si Duterte na droga ang laman nito.

Aarestuhan sana si Tan matapos buksan ang kontrabando, ngunit ayon kay Lascanas, tinawagan siya ni Duterte at sinabing siya na bahala kay Tan.

Smuggling

Idinawit rin ni DDS hitman Edgar Matobato si Duterte sa smuggling operations sa Davao City.

Ayon kay Matobato, minsan na siyang nag-deliver ng P3 milyon para sa mga customs officers ni Duterte sa Sasa Wharf noong 2013.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top