Dela Rosa: Kawawa naman ang PNP, lahat ng operation ay pinagdududahan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Dela Rosa: Kawawa naman ang PNP, lahat ng operation ay pinagdududahan

'Di Best, 'Di Brightest

Dela Rosa: Kawawa naman ang PNP, lahat ng operation ay pinagdududahan

Naaawa si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Philippine National Police (PNP) sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos na ipinupukol sa organisasyon sa nakalipas na mga linggo.

“Kawawa naman tayo, lahat na lang ng operation natin pinagdududahan,” ayon kay dela Rosa.

Ito ay kasunod ng panibagong kaso ng pagpatay sangkot ang mga pulis sa 19 taong gulang na si Carl Angelo Arnaiz, na ayon sa police report ay nangholdap umano ng taxi at nakipagbarilan sa mga rumespondeng pulis.

Naniniwala si dela Rosa na lehitimo ang naging operasyon ng mga pulis kung saan pinatay si Arnaiz.

“Sa nakikita ko, talagang legitimate operation ‘yon at may taxi driver na nagpunta do’n,” ani dela Rosa.

Sa ngayon ay hindi pa umano nagdududa si dela Rosa sa ginawa ng mga pulis.

“Ngayon naaktuhan nila si Arnaiz na hindi pa nakasakay. No’ng kanilang hulihin ay nakipagbarilan sa pulis kaya namatay,” ani dela Rosa.

“Sa ngayon hindi pa ko nagdududa [sa mga pulis]. ‘Yong procedure lang ang kailangang maklaro natin,” dagdag pa ni dela Rosa.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top