DILG officials na nagpatalsik kay Sueno, inireklamo ng katiwalian ng mga empleyado | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

DILG officials na nagpatalsik kay Sueno, inireklamo ng katiwalian ng mga empleyado

'Di Best, 'Di Brightest

DILG officials na nagpatalsik kay Sueno, inireklamo ng katiwalian ng mga empleyado

Umikot ang gulong ng palad para sa tatlong undersecretaries ng Department of Interior and Local Government (DILG) matapos silang ireklamo ng ilang mga empleyado ng nasabing ahensya dahil sa katiwalian.

Sina DILG undersecretaries JV Hinlo, Emily Padilla, at John Castriciones ang nanguna sa pagpapatalsik sa dating Secretary Ismael Sueno dahil umano sa katiwalian sa pagbili ng mga firetrucks galing Austria. Nagtagumpay ang mga ito ng pinakinggan ni President Rodrigo Duterte sa kanilang mga hinaing laban kay Sueno.

Subalit sa sandaling ito, sila ngayon ang nahaharap sa reklamong katiwalian.

Ayon sa Rappler, nagsumite ng isang confidential memo ang mga empleyado at iba pang officials ng DILG kay Duterte, kung saan nais nilang i-dismiss sa serbisyo sina Hinlo, Padilla, at Castriciones.

Mahal na Pangulo. Hindi po namin puwedeng ibunyag ang lahat ng mga kabalbalan ng tatlong usec na naghasik ng lagim sa aming Departamento dahil kukulangin ang inyong panahon, subalit kami po ay naniniklop-tuhod at nagsusumamo sa inyo na sana ay tuluyan na ninyong alisin sa pwesto ang mga usec na ito,” ayon sa memo na nakuha ng Rappler.

Matapos malaman ang reklamo, kinuha ng Rappler ang komento ng mga inirereklamong opisyales. Subalit si Hinlo lamang ang nagbigay ng komento.

“Accusations are false and but a harassment from those opposing the reforms that I, Usecs. Padilla and Castriciones want to implement at the DILG,” ayon kay Hinlo.

Ayon sa mga staff ng mga inirereklamong DILG officials, alam ng mga ito ang reklamo inihain laban sa kanila ng mga empleyado ng ahensya.

Kinumpirma rin ng Malacañang na natanggap nila ang reklamo noong June 1.

Jesus Hinlo, sangkot sa ‘money-making enterprises’

Inakusahan ng mga empleyado si Hinlo, ang undersecretary for public safety, ng hindi paggalang sa procurement system ng ahensya. Dagdag pa nito, sangkot pa umano si Hinlo sa ‘money-making enterprises’ sa pamamagitan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

May koneksyon rin umano si Hinlo kay Edgar “Tolikoy” Mellama, ang gambling and drug lord mula sa Negros Occidental.

Ginamit ni Mellama ang kanyang koneksyon kay Hinlo noong naka-engkwentro niya ang ilang mga pulis.

Ang isyu na ito ay matagal ng inireklamo at inirekomenda na dati pa ng Presidential Management Staff (PMS) ang pagtanggal sa kanya sa DILG. Subalit ipinagtanggol siya ni Sueno at inilagay sa floating status.

Emily Padilla, pineperahan ang mga LGUs para sa Federalism

Inakusahan naman si Emily Padilla, ang undersecretary for legislative liaison and special concerns, ng paggamit sa mga local government units para pondohan ang kanyang mga paglalakbay para ikampanya ang Federalism sa kabila ng milyun-milyong pondo para dito.

“They all came in droves when they conduct their activities, much to the disappointment of the host LGUs who would be burdened with the bills for the accommodation, food, campaign materials, and a lot more,” sabi sa memo.

Nagpatuloy pa ang ganitong gawain kahit na tinanggal na siya bilang head ng federalism information drive.

Ayon pa sa mga DILG employees, hindi rin dumaan sa bidding process ang mga materyales na ginamit para sa federalism campaign drive.

Palpak na trabaho ni John Castriciones

Inireklamo naman si Castriciones, ang undersecretary for operations, ng hindi pagsusumite ng ulat tungkol sa ibinigay na mga lupa sa DILG para sa rehabilitation centers ng drug users.

Sinisisi rin si Castriciones sa nabigong Task Force Agila, ang proyektong huhuli sana sa mga local officials na sangkot sa illegal drug trade.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top