Duterte, PNP chief Bato pinipilit na iugnay ang droga sa karahasan sa Mindanao | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte, PNP chief Bato pinipilit na iugnay ang droga sa karahasan sa Mindanao

'Di Best, 'Di Brightest

Duterte, PNP chief Bato pinipilit na iugnay ang droga sa karahasan sa Mindanao

Tila gustong isabit nila President Rodrigo Duterte at PNP chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang drug problem sa umiiral na batas militar sa Mindanao.

Ayon kay Duterte, maglalabas siya umano ng bagong general order na mago-otorisa sa mga sundalo na magsagawa ng warrantless arrests pati sa mga drug personalities.

“Kasali ang droga. ‘Yun nga ang number one. Isali ko na ngayon kasi ang sa rason na ibinigay ko sa declaration ng martial law, rebellion. I will come up with another general order,” ani Duterte.

“We will go after drugs and you can arrest them without warrant and you can search their houses without a search warrant,” dagdag pa ni Duterte.

Ito ay kasunod umano ng pagbilin sa kanya ng mga security officials na nagkasanga-sanga na ang problema ng kriminalidad, droga, at terorismo sa Mindanao.

Ayon naman kay Dela Rosa, tinutulungan umano ng mga ‘narco-politicians’ ang Maute group.

“Even before yung July 1, pag-assume natin, inannounce natin na mag-surrender iyung drug lords, we received information na lahat ng, karamihan ng drug lords dito sa Metro Manila, Luzon and Visayas ay pumunta doon sa Marawi at nagkaroon sila ng drug summit and they were protected by the Maute Group,” ani Dela Rosa.

Kung ang Maute group ay tinutulungan umano ng mga drug lords galing ng Luzon, Maynila, at Visayas, bakit pa uutusan ang mga tropa ng militar na magsagawa ng pag-aresto sa mga drug personalities sa Mindanao? Bakit hindi nila hulihin ang mga drug lords na ito upang maputol ang umano’y ugnayan nila sa mga terorista?

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top