Duterte Youth Leader Ronald Cardema kay Robredo: Na-Duterte fist sana kita sa Luneta | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte Youth Leader Ronald Cardema kay Robredo: Na-Duterte fist sana kita sa Luneta

'Di Best, 'Di Brightest

Duterte Youth Leader Ronald Cardema kay Robredo: Na-Duterte fist sana kita sa Luneta

Kaka-Nazi mo yan

Gigil na gigil ang Duterte Youth Chairman at Officer-in-Charge ng National Youth Commission (NYC) na si Ronald Cardema kay Vice President Leni Robredo matapos nitong pangunahan ang flag raising at wreath-laying ceremonies sa Rizal Park bilang paggunita sa ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Sa binurang Facebook post ni Cardema, nais nito na i-“Duterte fist” si Robredo kung naroon lamang siya sa Rizal Park kahapon.

“Pasalamat kayo wala ako dyan kanina, na-Duterte Fist sana kita, ala-Jim Paredes,” ani Cardema.

Kilala rin si Cardema na tagasuporta ng natalong vice presidential candidate na si Bongbong Marcos. Kung kaya pinasaringan nito si Robredo kaugnay sa umano’y relasyon nito kay Quezon City Rep. Bolet Banal.

“Smile smile lang habang nandyan pa, last independence day mo na VP Leni Robredo-Banal. Worked in Congress for 6 years and alam naman ng lahat ang relationship niyo dun ni Congressman Banal kaya please lang, don’t use namimiss mo si Jesse Robredo lines sa speeches mo tapos Banal is there in the crowd,” ani Cardema.

Inatake rin ni Cardema ang pagsakay sa bus ni Robredo.

“Tapos Paepeks mo na nakaBus ka to Bicol? Katabi ng driver ko sa congress drivers mo sa congress, ihahatid ka sa terminal then sasakay rin sa bus ang bodyguards as pasahero then coconvoy na sa likod ng bus mga sasakyan niyo hanggang Bicol. Mas malake pa gastos,” ani Cardema.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top