Duterte's men: Party-party na parang walang nangyayari | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Duterte’s men: Party-party na parang walang nangyayari

'Di Best, 'Di Brightest

Duterte’s men: Party-party na parang walang nangyayari

Katulad ni President Rodrigo Duterte, nagkaroon rin ng panahon ang ilang sa kanyang mga cabinet secretaries upang makipagsaya sa 10th listing anniversary ng Phoenix Petroleum Philippines, Inc.

Kasama sa pagdiriwang ng kumpanya ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Sonny Dominguez, Energy Secretary Alfonso Cusi, Public Works & Highways Secretary Mark Villar, at Security Adviser Hermogenes Esperon.

Ito ay sa kabila ng nangyayaring bakbakan sa Marawi na umabot na sa ika-52 araw ngayon. At sa Leyte naman, hindi pa rin maibalik sa normal ang kuryente sa buong probinsya at sira-sira ang mga daanan at imprastraktura matapos tumama ang malakas na lindol doon.

Matatandaan na top campaign donor ni Duterte ang chief executive officer ng Phoenix Petroleum na si Dennis Uy, kung saan nagbigay ito ng P30 milyon sa kampanya. Bilang kapalit, in-appoint naman siya ni Duterte na maging Presidential Adviser on Sports.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top