Ex-DOT Sec. Wanda Teo, kumubra ng P2.5-M worth of goods, luxury items sa Duty Free — COA | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ex-DOT Sec. Wanda Teo, kumubra ng P2.5-M worth of goods, luxury items sa Duty Free — COA

'Di Best, 'Di Brightest

Ex-DOT Sec. Wanda Teo, kumubra ng P2.5-M worth of goods, luxury items sa Duty Free — COA

Kilos Pronto talaga kung mangulimbat!

Matapos magpamudmod ng milyun-milyon sa mga kapatid sa pamamagitan ng tourism advertisement deal, nakuha pang kumubra ni dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ng mahigit P2.5 milyong halaga ng mga produkto at luxury items mula sa Duty Free Philippines Corp.

Ayon sa 2017 audit ng Commission on Audit, 277 items ang inilabas mula sa Duty Free warehouse para ipadala sa opisina ng ilang opisyal ng Department of Tourism (DOT). Nagkakahalaga ito ng $6,938.35 o P346,446.80.

Ang 277 items na ito ay hindi nakatala sa receivables ng Tourism Department, ngunit inilagay sa Merchandise Inventory account.

Maliban pa dito, naglabas pa ng merchandise mula sa Duty Free na nagkakahalaga ng $43,091.13 o P2,174,150.08. Nakaresibo ang mga ito sa Office of the Tourism Secretary.

Ilan sa inilabas na Duty Free merchandise ay toiletries, kitchen wares, beddings, appliances, canned goods, branded bags, luxury brand cosmetics, at chocolates.

Gumamit sila Teo at Tourism USec. for Administration and Special Concerns Rolando Cañizal ng Gate Pass Slips (GPS) para mailabas ang mga produkto.

Binayaran ang mga produkto sa pamamagitan ng trust liability account ng DOT sa DFPC, o ang share ng ahensiya sa net profit ng Duty Free.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top