Fariñas: Bigyan dapat ang mga mambabatas ng immunity vs traffic violations | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Fariñas: Bigyan dapat ang mga mambabatas ng immunity vs traffic violations

'Di Best, 'Di Brightest

Fariñas: Bigyan dapat ang mga mambabatas ng immunity vs traffic violations

Galawang wang-wang.

Nais ni Majority Floor Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na bigyan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga mambabatas ng parliamentary immunity mula sa mga minor traffic offenses.

Iginiit ni Fariñas na nasa Saligang Batas umano na dapat bigyan ng immunity ang mga mambabatas: “A Senator or Member of the House of Representatives shall, in all offenses punishable by not more than six years imprisonment, be privileged from arrest while the Congress is in session.”

Binigyang halimbawa ni Fariñas ang mababang bilang ng mga kongresista na dumalo sa impeachment proceedings dahil ang iba ay naipit sa matinding traffic.

“Kasi kami ay representatives ng Filipino people… Nai-impeach si Presidente. Magbobotahan kami sa committee whether he will be impeached or not. Eh bibitinin nila ako, titiketan mo. Hindi ako makakaboto o hindi kami makakaboto.” ani Fariñas.

Pinakausapan ng mambabatas na pagsabihan ang mga traffic enforcers.

“Pangaralan niyo ang mga tao niyo na kapag ang congressman papunta sa session, hindi po… lalo na po ngayon sa traffic… Strikto po ako ngayon. Kapag 4 p.m., kandado yung pinto. Magro-roll call po kami. Eh sa traffic po ngayon, lalong kinakailangan ang probisyon na ito,” ani Fariñas.

“Kapag napakita na talagang congressman siya, wag niyong dalhin sa presinto. Kasi kapag dinala niyo sa presinto, hindi na siya makakapag-perform. Ito ay nasa Saligang Batas yan,” dagdag ni Fariñas.

“Kung murder talagang mabigat yun, imbestigahan na… Pero kung mga minor offenses, eh di lalo na sa traffic na. Eh kung nagpakilala naman at kami’y nakikiusap sa inyo, escortan niyo na…. Kung sasabihin niya na importante yung hinahabol niya sa Kongreso, makikita niyo naman yun. Asikasuhin niyo na para matutugunan namin ang aming trabaho,” ilang pagpapalusot pa ni Fariñas.

Continue Reading
You may also like...
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top