Gadon, hindi na matandaan kung kanino nakuha ang impormasyon ng Sereno impeachment case | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Gadon, hindi na matandaan kung kanino nakuha ang impormasyon ng Sereno impeachment case

'Di Best, 'Di Brightest

Gadon, hindi na matandaan kung kanino nakuha ang impormasyon ng Sereno impeachment case

Hindi na matandaan ni impeachment complainant Atty. Lorenzo Gadon kung kanino niya nakuha ang impormasyon hinggil sa isa sa mga kasong inihain niya laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay matapos pabulaanan nila Manila Times journalist Jomar Canlas at Associate Justice Teresita de Castro na sila ang source ng umano’y impormasyon kaugnay sa pinekeng temporary restraining order (TRO) ni Chief Justice Sereno.

“I cannot remember now whether it was Jomar Canlas [who gave the information to me],” ani Gadon.

Ayon kay Gadon, marami umanong mga tao ang lumapit sa kanya noon kaya hindi na niya matandaan kung sino.

“He may have intimated to me, your honor, but I really cannot remember,” ani Gadon.

Isa si Canlas sa mga pinangalanan ni Gadon bilang kanyang source sapagkat kaibigan niya ito at di-umano’y may direktang komunikasyon ito kay de Castro.

Subalit noong nakaraang linggo, pinabulaanan ni de Castro ang sinabi ni Gadon na nakuha umano ni Canlas ang impormasyon mula sa kanya.

Sa pagharap ngayon ni Canlas sa House Committee on Justice hearing, harap-harapang pinabulaanan niya ang nasabing pahayag ni Gadon kaugnay sa kanya.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top