Gobyerno ni Duterte, inconsistent sa presensya ng ISIS sa Pilipinas | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Gobyerno ni Duterte, inconsistent sa presensya ng ISIS sa Pilipinas

'Di Best, 'Di Brightest

Gobyerno ni Duterte, inconsistent sa presensya ng ISIS sa Pilipinas

Gobyerno ni Duterte, inconsistent sa presensya ng ISIS sa Pilipinas

May ISIS ba o wala? Iba-iba ang naging pananaw ni President Rodrigo Duterte, Defense Sec. Delfin Lorenzana, at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ukol sa presensya ng Islamic State terrorist group sa bansa.

Ito ay matapos ang nangyaring sagupaan sa hanay ng pamahalaan at Maute group sa Marawi na sumumpa umano ng allegiance sa ISIS. Nakita rin sa Marawi sa kasagsagan ng karahasan ang pagtataas ng bandila ng international terrorist group.

Nanindigan ang pamunuan ng AFP na kahit kumakampi ang local terrorists sa ISIS, wala pang presensya ito sa bansa.

“Pag pinapangalanan natin ang local terrorist group, pinapapogi natin sila, pinapasikat natin sila. We don’t have ISIS in the Philippines,” ani Col. Edgard Arevalo, AFP public affairs chief.

Subalit, iba ang sinabi ni Lorenzana at idiniin na pareho lamang ang ISIS at ang Maute.

“It is actually Maute or ISIS because they are the same,” ani Lorenzana.

Naniniwala naman si Lorenzana na may suporta ang nangyari sa Marawi mula sa international network ng mga terorista.

“There have been reports that came to me from Baghdad that they are already seeing these pictures in the website of ISIS,” dagdag ni Lorenzana.

Matapos putulin ang kanyang official trip sa Russia at ideklara ang martial law sa Mindanao, inihayag naman ni President Rodrigo Duterte sa kanyang press conference na dumating na umano sa Pilipinas ang ISIS.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top