Matapos gumamit ng litrato vs De Lima: Mga litrato ni Paolo Duterte, propaganda lang ayon sa Palasyo | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Matapos gumamit ng litrato vs De Lima: Mga litrato ni Paolo Duterte, propaganda lang ayon sa Palasyo

'Di Best, 'Di Brightest

Matapos gumamit ng litrato vs De Lima: Mga litrato ni Paolo Duterte, propaganda lang ayon sa Palasyo

Propaganda lamang umano ang pagpapakalat ng mga litrato ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte kasama ang mga sangkot umano sa smuggling at droga, ayon sa Malacañang.

Ito ay sa kabila ng paggamit ng litrato ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte upang idiin si Senator Leila de Lima sa drug proliferation sa New Bilibid Prison.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, habang walang dokumento o pormal na reklamo sa korte, lumalabas lang na propaganda ang ginagawa laban sa batang Duterte.

“That’s what’s important, documentary evidence, not hearsay. Otherwise all of these things are just speculation, propaganda that can be used and misused,” ayon kay Abella.

“If anything serious [those concerned] regarding this matter then should raise the issue in the proper venues… At the end of the day, what does it become? It becomes trial by publicity,” dagdag pa ni Abella.

Ayon pa kay Abella, kinakailangan umano patotohanan ang mga litrato ni Duterte kasama ang mga sangkot sa smuggling at droga.

“What does the picture prove? [It’s] different when it’s in the court, there’s really documentary evidence,” ani Abella.

Litrato vs De Lima

Noong Hulyo ng nakaraang taon, naglabas ng litrato si Solicitor General Jose Calida kung saan ipinapakita na magkasama sina De Lima at si Jaybee Sebastian, ang nakapiit na drug lord sa Bilibid.

“She looks good in the picture. What was she doing in the mansion of Jaybee Sebastian? And there are many other photos. Ito pa lang ang teaser,” ayon kay Calida.

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top