Halos lahat ng problema ng bansa, sinisi ni DOJ chief Aguirre sa oposisyon | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Halos lahat ng problema ng bansa, sinisi ni DOJ chief Aguirre sa oposisyon

'Di Best, 'Di Brightest

Halos lahat ng problema ng bansa, sinisi ni DOJ chief Aguirre sa oposisyon

Mula sa pag-atake sa Resorts World Manila hanggang sa karahasan sa Marawi, ibinuntong na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang halos lahat ng problema ng Pilipinas sa mga taga-Liberal Party, Sen. Antonio Trillanes IV, at Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano.

Idinawit ni Aguirre sina Senators Benigno “Bam” Aquino IV at Trillanes, Rep. Alejano, at dating political adviser ni President Benigno Aquino III na si Ronald Llamas sa nangyaring karahasan sa Marawi.

Ayon kay Aguirre, mayroon umano siyang larawan nila Aquino, Trillanes, Alejano, at ni Llamas na nakikipagpulong sa Lucman at Alonto clans ng Marawi.

Ang naturang paratang ni Aguirre ay iba sa inilabas na declassified video ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pawang mga terorista, kasama si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon, ang nagpaplano ng paglusob sa nasabing lungsod.

Kamakailan lang ay sinisi rin ni Aguirre si Sen. Leila de Lima sa insidente sa Resorts World Manila, kung saan 37 ang nasawi kabilang ang gunman na nanloob sa casino at sinunog ito.

Wika ni Aguirre, ang legal opinion ni de Lima noong siya ay Justice secretary pa ay nagbigay ng kapangyarihan sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na mamahala sa implementasyon ng Fire Code sa lahat ng economic zones, kabilang na ang mga casino. Dahil dito, hindi umano pwede makialam ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa fire safety and prevention sa mga establisyamentong sakop ng PEZA.

Subalit ayon kay PEZA director-general Charito B. Plaza, ang framework act ng ahensya o ang RA 7916 ang nagbibigay kapangyarihan sa kanila upang pamahalaan ang lahat ng regulasyon sa mga economic zones at casino.

“Republic Act 7916 authorized PEZA to regulate the occupancy, fire and safety permits (,) thus we have civil, safety, structural, mechanical and electrical engineers who [inspect] during the construction of industries’ buildings and facilities and [conduct] twice a year,” ani Plaza.

“Regulate and undertake the establishment, operation and maintenance of utilities, other services and infrastructure in the ECOZONE, such as heat, light and power, water supply, telecommunication, transport, toll roads and bridges, port services, etc., and to fix just, reasonable and competitive rates, charges and fees,” ayon sa Chapter II Section 12 ng RA 7916.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top