Harry Roque, binuko; nag-apply noon para sa PH legal team sa The Hague | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Harry Roque, binuko; nag-apply noon para sa PH legal team sa The Hague

'Di Best, 'Di Brightest

Harry Roque, binuko; nag-apply noon para sa PH legal team sa The Hague

Masama ang loob kay PNoy? 

Binuko ng noo’y deputy chief presidential legal counsel ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang pag-apply ni Presidential Spokesperson Harry Roque para sumama sa legal team ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration o The Hague.

Kinasuhan noon ng Pilipinas ang China sa The Hague dahil sa militarisasyon at pag-aangkin nito sa ilang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon kay Eloisa Sy, sinabihan siya ni Roque na nais niyang sumali sa legal team at nag-abot pa ito ng kanyang curriculum vitae. Tinawag pa ni Roque noon si Aquino na napakatapang dahil sa pagtindig nito laban sa China.

“You [Roque] did approach me in UP and gave me your CVs etc because to your mind then ‘it was so brave of PNoy to stand up against China’,” ani Sy.

Ayon kay Sy, may rason si Aquino kung bakit hindi nito sineryoso ang application ni Roque.

“There is no way you will be Senator Mr. Roque. There is a reason PNoy did not take you seriously when I told him that you were applying to be part of the legal team that will bring up the WPS dispute before the arbitral tribunal,” ani Sy.

“What a scum – of the lowliest and ugliest kind,” dagdag pa ni Sy.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top