Harry Roque: Kung walang fake news, hindi natin malalaman kung ano ang true news | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Harry Roque: Kung walang fake news, hindi natin malalaman kung ano ang true news

'Di Best, 'Di Brightest

Harry Roque: Kung walang fake news, hindi natin malalaman kung ano ang true news

Mangangatwiran ka pa…

Binigyang katwiran ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang fake news sa Pilipinas.

Bilang advocate umano ng malayang pamamahayag, maganda na magkaroon ng free marketplace of ideas sa kabila ng paglaganap ng fake news o manipulative information.

“So sa akin po, well, talaga naman pong matagal ko nang adbokasiya na protektahan itong malayang pananalita, malayang pamamahayag. Mayroong mang fake news… sabi nila sa isang kaso – kung walang fake news, hindi natin malalaman kung ano iyong true news,” ani Roque.

“Hindi natin malalaman kung anong kasinungalingan, hindi rin natin malalaman kung anong katotohanan. So, let there be a free marketplace of ideas,” dagdag pa ni Roque.

Ang pahayag ni Roque ay bunga ng kaliwa’t kanang batikos na inabot niya mula sa mga Filipino Scientists at Researchers dahil sa sinabi nito noon na walang kapasidad ang bansa na pag-aralan ang Benham na ngayo’y Philippine Rise.

Pinatutsadahan ni Roque ang media at iginiit nito na “fake news” ang kanilang mga balita kaugnay sa kanyang pahayag sa Benham Rise exploration.

“Fake news po iyan. Pinost ko na po sa Facebook iyong mismong press conference namin sa Malacañang, wala po akong ganoong sinabi. May dalawa po kasing tanong kung bakit binigyan ng lisensiya ang Tsina para mag-conduct ng scientific study, iyon po ang sinagot ko,” ani Roque.

“Bakit binigyan ng lisensiya ang Tsina, kasi ang mga dayuhan kinakailangan ng lisensiya dahil ang Benham Rise po kaparte ng extended continental shelf at taning mga Pilipino lang ang may karapatan na mangalap ng tanging yaman at mag-conduct ng mga scientific researches,” dagdag pa ni Roque.

Sa isinagawang press briefing noon ni Roque, ipinagtanggol nito ang desisyon ng administrasyong Duterte na aprubahan ang exploration ng China sa Benham Rise.

“Because no one has applied. And no one can do it because, apparently, it’s capital intensive,” ani Roque.

 

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top