Harry Roque, sumakay sa MRT-3, LRT-1; ilang mga commuter, hindi pinasakay dahil sa kanya | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Harry Roque, sumakay sa MRT-3, LRT-1; ilang mga commuter, hindi pinasakay dahil sa kanya

'Di Best, 'Di Brightest

Harry Roque, sumakay sa MRT-3, LRT-1; ilang mga commuter, hindi pinasakay dahil sa kanya

Tinawag na “normal train ride” ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang pagsakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Ito ay sa kabila ng pag-assist sa kanya ng station guards at pagdadala ng media habang sakay ng tren.

Sumakay si Roque pagkatapos ng rush hour, kung kailan kakaunti na lamang ang mga tao at halos walang pila ng mga mananakay sa istasyon.

Tinanggal ng MRT-3 management ang pila ng mga commuters upang madaling makasakay si Roque sa tren.

Subalit noong sumakay ito sa LRT-1, pinagbawalan ng mga guards ang ilang mananakay na sumakay sa tren kung saan naroon si Roque kasama ang mga miyembro ng media.

Video Courtesy: Pia Ranada, Rappler 

Itinuring naman ni Roque na ‘cold’ at ‘enjoyable’ ang naging pagsakay niya sa dalawang train system dahil nakausap pa niya ang ilang mga commuters sa loob ng tren.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top