Honeylet Avanceña spotted sa New York; tikom sa tanong ng ABS-CBN reporter | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Honeylet Avanceña spotted sa New York; tikom sa tanong ng ABS-CBN reporter

'Di Best, 'Di Brightest

Honeylet Avanceña spotted sa New York; tikom sa tanong ng ABS-CBN reporter

Spotted sa New York, United States ang common-law wife ni President Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña.

Natagpuan ni ABS-CBN reporter Don Tagala si Avaceña na nanonood ng Miss Saigon sa Broadway Theatre.

Tinanong ni Tagala si Avanceña kung bahagi siya ng isinasagawang United Nations General Assembly, at oo ang kanyang naging sagot.

Subalit noong tinanong ni Tagala si Avanceña kung anong specific role ang kanyang gagampanan sa UN-GA, sinabi nitong invited lamang siya.

Naging tikom naman si Avanceña nang tanungin kung anong visa ang kanyang ginagamit kung siya ay invited lang sa UN-GA, at kung sagutin ng Philippine government ang kanyang pananatili sa Estados Unidos.

Sinubukan namang harangin ng ilang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) si Tagala.

Sa ngayon ay wala pang komento o pahayag na inilalabas ang Philippine Consulate at Philippine Mission, maging si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na kumakatawan kay Duterte sa United Nations assembly.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top