Hontiveros kay Mocha Uson: Anong kinalaman ng private parts ng babae sa federalism? | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Hontiveros kay Mocha Uson: Anong kinalaman ng private parts ng babae sa federalism?

'Di Best, 'Di Brightest

Hontiveros kay Mocha Uson: Anong kinalaman ng private parts ng babae sa federalism?

Insulto para sa Presidential Communications Operations Office (PCOO), malaking kabastusan sa mga kababaihan, at kasayangan sa pera ng bayan ang ‘Pepedederalismo’ video ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson, ayon kay Senator Risa Hontiveros.

Tanong ni Hontiveros kay Uson: “Anong kinalaman ng maseselang bahagi ng katawan ng babae sa usapin ng pederalismo?”

Ayon kay Hontiveros, inatasan si Uson na ipaliwanag sa publiko ang federalism, at hindi para bastusin ang mga kababaihan.

“Inatasan at hiningan ng tulong si Ms. Uson para ipaliwanag sa publiko ang issue ng pederalismo, hindi para bastusin ang mga kababaihan at i-sexualize ang aming mga katawan,” ani Hontiveros.

“Ganoon na lang ba kababa at kaliit ang tingin ni Ms. Uson sa pag-iisip ng masang Pilipino at kailangang idaan sa ganyang klaseng mgagimik ang pag-uusap ng mga importanteng pambansang usapin?” dagdag pa ni Hontiveros.

Hindi na umano magtataka pa si Hontiveros sa asal ni Uson dahil ‘new normal’ naman raw sa administrasyong Duterte ang kabastusan.

“Mukhang ito na yata ang “new normal” sa ilalim ni Pangulong Duterte. Kung sabagay, kung bastos, palamura at walang modo ang puno, tiyak, hindi nalalayo ang bunga,” ani Hontiveros.

Zero na ang kredibilidad ng pederalismo ni Duterte, ayon pa kay Hontiveros.

“Dahil dito, ‘zero na ang kredibilidad’ ng pederalismo ni Pangulong Duterte na dati nang mababa ang kredibilidad sa mamamayan dahil sa bantang pag-suspinde ng 2019 elections, term extension at hindi demokratikong pagrerebisa ng konstitusyon,” ani Hontiveros.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top