Imbecile talaga! Alvarez: Zero budget dapat para sa CHR kung hindi ma-abolish | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Imbecile talaga! Alvarez: Zero budget dapat para sa CHR kung hindi ma-abolish

'Di Best, 'Di Brightest

Imbecile talaga! Alvarez: Zero budget dapat para sa CHR kung hindi ma-abolish

Balak patawan ng zero budget ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Commission on Human Rights (CHR) bilang alternatibong paraan kung hindi ito kaya i-abolish.

Ang planong zero budget at pag-abolish sa CHR ay dahil sa pagiging kritiko nito sa kampanya kontra illegal na droga ni President Rodrigo Duterte.

“Kung ako ang tatanungin, zero, kapag ganyan ang performance. Hindi natin ia-abolish kasi constitutional body. Eh di huwag mo bigyan ng budget iyan kasi hindi naman fair eh,” ayon kay Alvarez.

Dagdag pa ni Alvarez, hindi daw ginagampanan ng CHR ang trabaho nitong protektahan ang karapatang pantao.

“Hindi nila ginagampanan yung trabaho nila para protektahan yung karapatang pantao, para sa lahat ng tao, sa lahat ng Pilipino dito sa ating bansa,” ani Alvarez.

P678 milyon ang proposed budget ng CHR para sa taong 2018, mas mababa ito kumpara sa 2017 budget nito na P749 milyon at sa ipinanukala ng ahensiya na P1.723 bilyon.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top