DOJ chief Aguirre sumang-ayon kay Gordon: Pinalalaki lang ang issue sa Bureau of Customs | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

DOJ chief Aguirre sumang-ayon kay Gordon: Pinalalaki lang ang issue sa Bureau of Customs

'Di Best, 'Di Brightest

DOJ chief Aguirre sumang-ayon kay Gordon: Pinalalaki lang ang issue sa Bureau of Customs

Katulad umano ng pananaw ni Senator Richard Gordon ang pananaw ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa isyu ng P6.4 billion shabu smuggling sa Bureau of Customs.

Ayon kay Aguirre, pinalalaki lang ang isyu at pinalalabas na “family affair” matapos masangkot ang presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, pati ang asawa ni Mayor Sara na si Atty. Mans Carpio.

“Sobra-sobra nang ginagawang investigation ng Senate. As a matter of fact, ang tingin ko riyan ay katulad ng paningin ni Senator Gordon, chairman ng committee sa blue ribbon na pinalalalaki lang, ginagawa lang nilang parang family affair daw yung mga nangyayaring mali sa Customs,” ayon kay Aguirre.

Dagdag pa ni Aguirre, gusto lamang ikonekta ni Senator Antonio Trillanes IV ang pamilya Duterte sa mga anomalya sa Customs.

“Samantalang ang gusto ni Senator Trillanes na basta’t ikaw ay mabanggit yung pangalan mo doon, katulad nung ni Vice Mayor tsaka ni Atty. Mans Carpio, ay gusto ng ikabit doon sa mga anomalies,” ani Aguirre.

Sangkot sa Davao Group

Itinuro naman ng Customs broker at whistleblower na si Mark Taguba sina Paolo Duterte at Mans Carpio bilang nasa likod ng Davao Group na nagsasagawa ng smuggling sa Customs.

Tinanong ni Trillanes si Taguba kung sangkot sa Davao Group sina Duterte at Carpio at sinagot nito: “Iyun po ang sabi nila.”

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top