Kamara, inaprubahan ang P1,000 budget ng CHR para sa taong 2018 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Kamara, inaprubahan ang P1,000 budget ng CHR para sa taong 2018

'Di Best, 'Di Brightest

Kamara, inaprubahan ang P1,000 budget ng CHR para sa taong 2018

Inaprubahan ng House of Representatives ang proposal na P1,000 budget para sa Commission on Human Rights sa susunod na taon.

Sa botong 119-32, nakalusot ang P1,000 CHR budget proposal sa House plenary.

Nauna ng sinabi ni Speaker Pantaleon Alvarez na nais niyang bigyan ng P1,000, o i-defund ang CHR dahil sa pagtuligsa nito sa polisiya ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

“Hindi nila ginagawa yung trabaho nila. Yung mandato nila under the Constitution, hindi nila ginagawa. Ano yun? Para protektahan yung karapatang pantao ng lahat ng tao, hindi lang noong mga kriminal,” ayon kay Alvarez.

P678-M budget aprub sa Senado

Samantala, inaprubahan naman ng Senate finance committee ang P678 million proposed budget ng CHR.

Siniguro naman nila Senators Panfilo Lacson at Risa Hontiveros ang suporta ng Senado para sa CHR.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top