KAMI MUNA SASAMPAL SAYO | Mocha Uson, gustong sampalin si Senator Trillanes | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

KAMI MUNA SASAMPAL SAYO | Mocha Uson, gustong sampalin si Senator Trillanes

'Di Best, 'Di Brightest

KAMI MUNA SASAMPAL SAYO | Mocha Uson, gustong sampalin si Senator Trillanes

Dahil umano sa pambababoy sa Senado, gustong sampalin ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson si Senator Antonio Trillanes IV.

Parang hindi mo binaboy ang Malacañang ah?

Sa kanyang post, tinanong niya ang mga abogado kung anong kaso ang maaaring isampa sa kanya kung sakaling pumunta siya sa Senado at harapin si Trillanes.

“May tanong lang po ako sa mga abogado diyan- Ano po ba ang kaso kung sakaling pumunta tayo ng Senado at sampalin ko si Trillanes? Napupuno na kasi ako sa kagaguhan niya. BINABABOY NIYA ANG SENADO,” ayon kay Uson.

Kahihiyan sa PCOO

Tinawag naman na kahihiyan sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Uson ni ACT Partylist Rep. France Castro dahil ubos na ang pasensya niya sa kanya.

“Kahihiyan talaga sa PCOO si Mocha at mga katulad niya,” ayon kay Castro.

“Utang na loob (kasi) ang basehan ni Du30 sa pag-appoint dyan at hindi qualification na competence,” dagdag pa ni Castro.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top