Karen Davila to Mocha Uson: Ikaw na nga ang mali, ikaw pa ang galit | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Karen Davila to Mocha Uson: Ikaw na nga ang mali, ikaw pa ang galit

'Di Best, 'Di Brightest

Karen Davila to Mocha Uson: Ikaw na nga ang mali, ikaw pa ang galit

Pinasaringan ni ABS-CBN journalist Karen Davila ang asal ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson matapos batikusin ng mga senador ang kanyang ‘Pepedederalismo’ video.

Ayon kay Davila, mali na nga ang ginawa ni Uson ngunit siya pa itong may ganang magalit.

“Talk about turning tables. Bakit ganon, mali na nga, galit pa,” ani Davila.

Ayon pa kay Davila, wala namang mawawala sa isang public official kung aamin ito sa kanyang pagkakamali.

“Wala namang mawawala kung aamin ng pagkakamali ang isang opisyal ng gobyerno,” ani Davila.

‘Kayo ang bastos!’

Tinabla ni Uson ang pasaring ng mga senador laban sa kanya.

“Ako nagtitimpi lang dito sa ILANG mga Senador na ito. Matagal niyo nang pinaglalaruan ang taumbayan,” ani Uson.

“Sino ngayon ang mas baboy sa atin???? Ang laki ng sahod at pondo niyo pero saan niyo ginagamit? Ako na walang natangap diyan sa Pederalismo na ‘yan pero sasabihin niyo ‘binabastos’ ko. KAYO ANG BUMABASTOS SA KATOTOHANAN,” dagdag pa ni Uson.

Ayon kay Uson, nililihis umano ng mga senador ang isyu ng electoral fraud noong Halalan 2016.

“Bakit niyo pinipigilan si Atty Glenn Chong at nililihis ang issue???? Nakinabang ba kayo sa dayaan??? O nakinabang ba ang mga kaibigan ninyo???? KAYO ANG BASTOS!!!,” ani Uson.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top