Koko Pimentel: Nagkamali ako! Ilayo ninyo si Mocha Uson sa federalism | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Koko Pimentel: Nagkamali ako! Ilayo ninyo si Mocha Uson sa federalism

'Di Best, 'Di Brightest

Koko Pimentel: Nagkamali ako! Ilayo ninyo si Mocha Uson sa federalism

Ilayo niyo na lang siya sa Pilipinas. 

Nagkamali si Senator Koko Pimentel na makakatulong si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa pagpapaliwanag ng federalism sa publiko.

Ito ay matapos lumutang ang video ng malaswang pagtalakay ng federalism nina Uson at consultant nitong si Drew Olivar.

“Ako ay nagkamali! Akala ko makakatulong si Mocha sa pagpapaliwanag tungkol sa Pederalismo,” ani Pimentel.

Hindi maatim ni Pimentel na binaboy nila Uson ang kawsa ng pederalismo.

“Di ko lubos akalakin na bababuyin pala nila ang kawsa ng Pederalismo,” ani Pimentel.

Nais ilayo ni Pimentel si Uson sa diskusyon ng pederalismo o kaya’y mag-aral muna siya o mag-leave muna.

“Ilayo na si Mocha sa Pederalismo. Mag-aral muna siya ng mabuti. Mag-leave muna siya,” ani Pimentel.

“Hindi galit but ‘disappointed’ that the best and the brightest appointed to this gov’t can come up with only that kind of bullshit,” dagdag pa ni Pimentel.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top