Larry Gadon: Kung ako ang presidente, mas marami akong pinatay | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Larry Gadon: Kung ako ang presidente, mas marami akong pinatay

'Di Best, 'Di Brightest

Larry Gadon: Kung ako ang presidente, mas marami akong pinatay

Mahina pa umano si President Rodrigo Duterte ayon kay Atty. Lorenzo “Larry” Gadon.

Si Gadon ang complainant sa inihaing impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Gadon, kung siya ang Pangulo, mas marami siyang ipinapatay kumpara sa mga namatay sa pamumuno ni Duterte.

“Masuwerte pa nga sila, kasi kung ako ang presidente, mas marami akong pinatay. Mas marami akong papatayin kung ako ang presidente, mahina pa ’yang si Digong eh,” ani Gadon.

Para kay Gadon, hindi totoong may extrajudicial killings at pakana lamang umano ang mga patayan ng mga drug syndicates.

“I don’t believe there are EJKs.’Yang mga killings na ’yan, ano ’yan, gawa rin ’yan ng mga drug syndicates,” ani Gadon.

Halalan 2019

Naniniwala naman si Gadon na sa pamamagitan ng kanyang mga ala-Digong na pronouncements ay mananalo siya sa pagka-senador sa Halalan 2019.

Tanong ng Rappler kay Gadon: “You think you can win [a Senate seat] on those pronouncements?”

Gadon: “Yes.”

“Not only that, eh kung ’yun ’yung gusto kong gawin eh, I will really do it, kapag ako nandiyan,” dagdag pa ni Gadon.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top