'Law enforcement operation' sa Marawi, nauwi sa martial law sa buong Mindanao | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

‘Law enforcement operation’ sa Marawi, nauwi sa martial law sa buong Mindanao

'Di Best, 'Di Brightest

‘Law enforcement operation’ sa Marawi, nauwi sa martial law sa buong Mindanao

Bago pa man idineklara ni President Rodrigo Duterte ang martial law sa buong Mindanao dahil sa karahasan sa Marawi, sinabi na ng Armed Forces of the Philippines na mayroon silang law enforcement operation sa nasabing lugar upang hulihin si Isnilon Hapilon, ang lider ng Abu Sayyaf.

Ayon sa AFP, nasa lungsod ng Marawi si Hapilon upang gamutin ang kanyang mga sugat na natamo mula sa huling engkwentro ng kanyang grupo at ng gobyerno.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na dahil sa naging bakbakan ng AFP, katulong ang Philippine National Police, laban sa grupo ni Hapilon, umanib ang iba pang mga teroristang nasa Marawi din katulad ng Maute group.

Lumalabas na nahigitan na ng pwersa ng mga terorista ang tropa ng AFP-PNP dahil nagsanib-pwersa na ang Maute, iba pang ISIS-inspired groups, at ang Abu Sayyaf.

Naniniwala si Lorenzana na suportado umano ng international network ng mga terorista ang nangyayaring bakbakan sa Marawi.

“I believe so because we already… There was… There have been reports that came to me from Baghdad that they are already seeing these pictures in the website of ISIS,” ani Lorenzana.

Inamin rin ni Lorenzana na walang impormasyon ang gobyerno tungkol sa pagpasok ng mga terorista at sympathizers nito sa lungsod.

“So they were able to infiltrate Marawi without the knowledge of the military that’s why they were able to go there undetected, maybe posing as civilians coming to the city until they saw this,” dagdag ni Lorenzana.

Ngunit, kasabay ng pagpapahayag ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao mula Russia, mayroon ring press briefing na isinagawa ang AFP.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo, ‘local terrorist group’ ang nakaengkwentro ng mga otoridad sa Marawi at hindi ISIS.

Idiniin naman ni Col. Arevalo sa mga oras na iyon na kontrolado na ang sitwasyon sa Marawi.

Dagdag rin niya, ang mga balita at propaganda na ipinakalat ng mga terorista sa Marawi ay bahagi ng kanilang paghingi ng suporta at pagkilala mula sa international network ng mga terorista.

Inako ng pamahalaan na sila ang nasa opensiba sapagkat mayroong lehitimong operasyon para dakpin si Hapilon. Subalit, makikitang nahigitan sila ng mga terorista ng nagsanib pwersa ang mga ito sa Marawi, at hindi alam ng mga taong bahagi ng operasyon na matagal na palang nakapasok ang Maute at iba pang ISIS-inspired groups sa lungsod.

Itinuturing na high value target si Hapilon sapagkat lider ito ng Abu Sayyaf. Ang pagsasanib-pwersa ng AFP at PNP sa iisang operasyon ay nagpapakita lamang na napakakritikal ito. Hindi maaaring walang alam si President Rodrigo Duterte sa operasyon bago pa man ito mangyari.

Hindi na tayo magpapadalos-dalos pa. Na-underestimate ng pamahalaan ang pwersa ng mga terorista sa Marawi. Malinaw na malinaw, nagkaroon ng failure of intelligence sapagkat walang impormasyon ang militar tungkol sa pagpasok ng mga terorista sa nasabing lugar. Hindi rin isinaalang-alang na isang urban center ang Marawi, maraming establisyamento’t residential area.

Bagama’t isang seryosong problema ang  terorismo, ang pagdedeklara ng martial law sa buong Mindanao dahil sa nangyaring sagupaan sa Marawi ay tagumpay ng mga terorista sa psy-war. Ipinaparating nito na kaya nila na gawing ‘paranoid’ ang gobyerno na sugpuin sila, hanggang maging isang ‘overkill’ ang kanilang desisyon, na posibleng magpalala pa sa sitwasyon.

Lumalabas na anim na oras, simula ng isinagawa ang operasyon ng 2:00 PM, hanggang sa humingi ng reinforcements si Marawi Mayor Usman Gandamra, ay wala pang decisive action ang top brass ng security forces ng bansa ukol sa isinagawa nilang law enforcement operation.

Halos limang oras naman ang lumipas mula sa simula ng operasyon, nagkaroon ng kaalaman ang top security official na nasa Russia tungkol sa nangyayari sa Marawi. Subalit, wala pa ring decisive action ang pamahalaan, maliban na lamang sa sinabing pagdaragdag ng tropa sa lugar ayon kay NSA Hermogenes Esperon.

Walong oras ang lumipas, ang unang lumabas na pahayag mula kay Duterte, sa pamamagitan ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ay may ‘buong kumpiyansa’ ang pangulo sa pamamahala ng AFP-PNP sa Marawi.

At isang oras mula ng ipinahayag ang kumpiyansa ni Duterte sa AFP at PNP, idineklara na nito ang martial law sa buong Mindanao.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top